Tuesday, February 12, 2013

Entry #1- Panahon ng Amerikano

Entry 1
Enero 01, 2013

Panahon ng Amerikano
     Sa araling ito, natutunan ko ang mga layunin ng mga Amerikano kung bakit nila gusting sakuoin ang ating bansa. Ang mga layunin na ito ay ang defense, duty, dollar, destiny, at diety. Akin ring nalaman ang plano ng mga Amerikano sa ating bansa, sa panguguna na rin ng kanilang dating presidenteng William McKinley. Si Presidente McKinley ay nagkaroon ng kanyang talumapti sa White House noong Nobyember 21. 1898. Sa kanyang talumpati nakasaad ang kanilang plano sa ating bansa, na di pwedeng ibalik ang Pilipinas sa Espanya, di pwedeng ibigay ang ating bansa sa France at Germany, di pwedeng iwanan ang Pilipinas na "unfit" at dapat maturuan nila tayo na ipalaganap ang 'sibilisasyon'. Kasama na rin dito ang mga patakaran ng Amerikano para masupil ang nasyonalidad: patakarang pasipikasyon at patakarang kooptasyon.

                                                                                                                                         - Ella Abundabar

No comments:

Post a Comment