Tuesday, February 26, 2013

Entry #5- Etnisidad at Identidad

Entry #5

Pebrero 12, 2013

Etnisidad ay tumutukoy sa katangiang kultural na binubuo ng wika, lahi, paniniwala, kaugalian, tradisyon, saloobin, ideolohiya at iba pang pangkalagiang salik. Habang ang identidad ay ang pagkakalilanlan batay sa kabihasnan at kulturang kinagishan bilang isang lahi.

KONTEKSTONG HISTORIKAL ng PAGHAHANGAD ng IDENTIDAD at PAGGALANG sa ETNISIDAD ng mga MUSLIM at IGOROT
1578- tinagkang sakupin ng Espanyol at Muslim, ngunit di nagtagumpay dahil sa estrotihiyang pakikipaglaban ng mga Muslim
1591-1608- pinagsikapan ng Espanyol na magtatag ng kuta sa Cordillera. Nabigo sila dahil sa masidhing pagtutol ng mga Igorot.
1970- ninanais ng mag Muslim magtatag ng sariling estado na hiwalay sa Pilipinas
1976- nilagdaan ng pamahalaan at Muslim sa pamumuno ni Nur MIsuari ng MNLF (Moro National Liberation Front) ; isang kasunduan ng Awtonomiya. Hindi ganap na naipatupad ito, nang maglaon, nahati ang MNLF at nabuo ang MILF (Moro Islamic Liberation Front)
2001- nalungsad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MNLF at pamahalaan; nilalayon ng MILF ang pagtatag ng malayang estado ng mga Muslim

3 comments: