Tuesday, February 26, 2013

Entry #6- Estado

Entry #6

Pebrero 15, 2013
                
                     Sa araw na ito, tinalakay namin ang tungkol sa ESTADO. Ang estado ay ang pangkalahatang tawag sa mga tao, teritoryo, soberanya at pamahalaan. Ang sobernya ay ang kalayaan sa panloob at panlabas ng ating bansa. Ang pamahalaan naman ay may tatlong sangay: executive na kung saan napapaloob ang president; legislative na kung saan nahahanap ang house of representatives at ang house of senate; at ang judicial. Sa aralin na ito rin natalakay kung paano nagiging batas ang isang panukala. Una, ito ay dumadaan sa committee. Sumunod ang First reading na kung saan pinapakilala nag titulo ng panukala, Second reading na kung saan nagkakaroon ng  debate sa pagitan ng mga Pro at Anti sa batas, Third reading kung saan bumoto ang mga nasa mababang kapulungan sa paraan ng speech at ‘viva voce’, sumunod sa mga pagbasang ito, ay ang referral pauntang House of Senate, ang pag-apruba ng dalawang kapulungan sa isang bersyon ng panukalang batas at ang huli ay ang paglagda ng pangulo matapos ang 30 araw ng pag-apruba sa panukalang batas at pagkatapos nito ay isa na itong ganap na batas o kaya’y maaring gamitin ng pangulo ay kapangyarihan niyang magtapon ng panukalang batas o ang ‘VETO Power’. Mayroong tatlong paraan para maisagawa ang pagbabago ng Saligang Batas ang constitutional convention, constituents assembly at ang peoples initiative.

No comments:

Post a Comment