Tuesday, February 26, 2013

Entry #4- Mga Presidente ng Pilipinas

Entry #4
Pebrero 04, 2012
Mga Presidente ng Pilipinas
                                                              
3rd Republic
  1. Manuel Roxas - Naglingkod sa bayan noong taong 1946-1928. Ang mga programan kanyang naipatupad ay ang Rehabilitation Finance Corporation, Military Base Agreement at Bell Trade Act.
  2. Elpidio Quirino - Siya ay naglingkod noong 1948-1953. Ang kanyang mga programa ay Parity Rights Amendment at Import Control Policy.
  3. Ramon Magsaysay - Siya ay ang presidenteng nakilala dahil sa kanyang pagiging maka-masa. Siay ay naglingkod ng taong 1953-1957. Siya ay simple at marangal na presidente sa Pilipinas at nasa National Defense siya noong panahon ni Quirino.At ginawa niyang bukas ang Malacanang sa lahat ng mamamayang Pilipino.Namatay siya noong Marso 17, 1957 sa Bundok Manunggul sa Cebu dahil sa isang plane crash.
  4. Carlos Garcia - Naging presidente ng taong 1957-1961. Ang kilalang programa niya ay ang Filipino First Policy. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Estados Unidos upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na base militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa halalan noong 1961.
  5. Diosdado Macapagal- Naglinkdo sa bayan ng taong 1961-1965. Nagpatupad ng malayang kalakalan  at Land Reform Act. Siya ang presidenteng naki-isa sa MAPHILINDO o Malaysia, Philippines at Indonesia.
  6. Ferdinand Marcos- nanungkulan sa bansa ng taong 1965-1986. Siya ang maituturing na pinakamatalinong preseidente ng ating bansa. Nagpatupad sya ng mga programa na kung saan, ang mga programang ito ay nakatulong ng marami sa ating bansa. Isa na rito ang pagsasa-ayos ng mga imprastraktura (San Juanico Bridge), ang Green Revolution, Miracle Rice (IRRI- International Rice Research Institute). 

4th Republic

  1. Ferdinand Marcos- Ito ang pangalawang termino ni Marcos sa pagiging presidente ng Pilipinas ng taong 1986-1972. At sa taong rin ito, idineklara niya na ang Pilipinas ay nasa ilalalim ng Martial Law. Dahil dito, nagkaroon ng matinding gulo sa Metro Manila, na nagdulot para magkaroon ng People Power Revolution, na pinagunahan ni Corazon Aquino, ang asawa ng namatay na Benigno Aquino Jr., na namatay dahil nabaril ito pagkababa nito sa eroplano galing ng Estados Unidos. At ang suspek sa pagkamatay ni Benigno Aquino ay si Ferdinand Marcos, na kilalang mahigpit na kalaban ni Aquino sa politika.

5th Republic
  1. Corazon Aquino- Siya ay kilala sa palayaw na 'Cory', siya ang unang babaeng presidente ng bansa ng taong 1986-1992. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik nya ang demokrasya sa bansa.
  2. Fidel Ramos- Naging presidente ng taong 1992-1998. Bilang isang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumunuhan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.
  3. Gloria Macapagal-Arroyo- Ang ikalawang pangulong babae ng Pilipinas na namuno ng taong 2001-2010. Nagbigay sya ng trabaho sa mga Pilipino at inayos nya rin ang imprastraktura ng bansa.
  4. Benigno Aquino III- Kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Naipatupad nya na ang K=12 program ng DepEd na sa tingin nila ay mas makakabuti sa mga estudyanteng Pilipino at pati na rin sa ating bansa.

5 comments: